Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 80:1-3

MGA AWIT 80:1-3 ABTAG

Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, Ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka. Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, At parito kang iligtas mo kami. Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.