Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 80:1-3

Mga Awit 80:1-3 RTPV05

Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan. Ang iyong pag-ibig iyong ipadama sa angkan ni Efraim, Manases at Benjamin, sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, sa hirap ay tubusin! Ibalik mo kami, O Diyos, at ipadama mo ang iyong pagmamahal, iligtas mo kami, at sa iyong sinag kami ay tanglawan.