Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 80:1-3

Salmo 80:1-3 ASND

O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami. Kayo na nangunguna at pumapatnubay sa angkan ni Jose na parang mga tupa. Kayo na nakaupo sa inyong trono sa gitna ng mga kerubin, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan, sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manase. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan; puntahan nʼyo kami para iligtas. O Dios, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.