Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 80

80
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
1Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay #Awit 81:5. sa Jose na #Awit 77:26. parang kawan;
# Ex. 25:22; 1 Sam. 4:4; Awit 99:1. Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay #Blg. 2:18-23. mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
3Papanumbalikin mo kami, #Awit 60:1; Panag. 5:21; Blg. 6:25. Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
4 # Awit 59:5. Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 # Awit 42:3. Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 # Awit 44:13. Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
8Ikaw ay nagdala ng #Is. 5:1, 7. isang puno ng ubas mula sa Egipto;
# Awit 44:2. Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang #Awit 72:8. sa ilog.
12 # Is. 5:5; Awit 89:40, 41. Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang #Gen. 49:22. suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 # Is. 33:12. Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 # Awit 89:21; Luc. 1:66. Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
# Awit 8:4, 5. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 # tal. 3, 7. Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 80: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in