Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 33:16-22

MGA AWIT 33:16-22 ABTAG

Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, At upang ingatan silang buháy sa kagutom. Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: Siya'y aming saklolo at aming kalasag. Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan. Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, Ayon sa aming pagasa sa iyo.