Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 33

33
Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.
1Mangagalak kayo sa Panginoon, #Awit 32:11. Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda #Awit 147:1. sa ganang matuwid.
2Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
3 # Awit 40:3; 144:9; Is. 42:10; Apoc. 5:9; 14:3. Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
4Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
5 # Awit 11:7. Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno #Awit 119:64. ng kagandahang-loob ng Panginoon.
6 # Gen. 1:6, 7; Heb. 11:3; 2 Ped. 3:5. Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
7 # Gen. 1:9. Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
8Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
9Sapagka't #Gen. 1:3; Awit 148:5, 6. siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 # Neh. 4:15. Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 # Deut. 7:6; Awit 65:4. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 # Awit 44:6. Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17Ang kabayo ay #Awit 20:7; Kaw. 21:31. walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 # Job 36:7; 1 Ped. 3:12. Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At #Awit 37:19. upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
# Deut. 33:29. Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21Sapagka't ang aming puso ay magagalak #Zac. 10:7; Juan 16:22. sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 33: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in