Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 33:16-22

Mga Awit 33:16-22 RTPV05

Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal; kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!