Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 33:16-22

Salmo 33:16-22 ASND

Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan. Ngunit binabantayan ng PANGINOON ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan, at sa panahon ng taggutom, silaʼy kanyang inaalalayan. Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa PANGINOON. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol. Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan. PANGINOON, sumaamin nawa ang inyong matapat na pag-ibig. Ang aming pag-asa ay nasa inyo.