Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 118:23-29

MGA AWIT 118:23-29 ABTAG

Ito ang gawa ng Panginoon: Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 118:23-29