Ito ang gawa ng PANGINOON; ito ay kagila-gilalas sa ating mga mata. Ito ang araw na ang PANGINOON ang gumawa, tayo'y magalak at matuwa. O PANGINOON, ipinapakiusap namin sa iyo, ikaw ay magligtas! O PANGINOON, ipinapakiusap namin sa iyo, magsugo ka ng kaginhawahan. Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng PANGINOON! Pinupuri ka namin mula sa bahay ng PANGINOON. Ang PANGINOON ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag! Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa mga sungay ng dambana. Ikaw ay aking Diyos, at ako'y magpapasalamat sa iyo; ikaw ay aking Diyos, ikaw ay pupurihin ko. O magpasalamat kayo sa PANGINOON, sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman!
Basahin MGA AWIT 118
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 118:23-29
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas