Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 118:23-29

Salmo 118:23-29 ASND

Ang PANGINOON ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin. Ito ang araw na ginawa ng PANGINOON, kaya tayoʼy magalak at magdiwang. PANGINOON, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa. Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng PANGINOON. Pagpalain sana kayo ng PANGINOON mula sa kanyang templo. Ang PANGINOON ay Dios at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar. PANGINOON, kayo ang aking Dios; nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo. Pasalamatan ang PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.