Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 119:97-109

MGA AWIT 119:97-109 ABTAG01

O, mahal na mahal ko ang iyong kautusan! Ito'y siya kong binubulay-bulay sa buong araw. Ginawa akong higit na marunong kaysa aking mga kaaway ng mga utos mo, sapagkat ito'y laging kasama ko. Ako'y may higit na pang-unawa kaysa lahat ng aking mga guro, sapagkat aking binubulay-bulay ang iyong mga patotoo. Ako'y nakakaunawa ng higit kaysa nakatatanda, sapagkat aking iningatan ang iyong mga salita. Sa lahat ng masamang lakad ay pinigil ko ang mga paa ko, upang aking masunod ang salita mo. Ako'y hindi lumihis sa mga batas mo, sapagkat tinuruan mo ako. Napakatamis ang iyong mga salita sa panlasa ko; higit na matamis kaysa pulot sa bibig ko! Sa pamamagitan ng iyong mga tuntunin ay nagkaroon ako ng kaunawaan; kaya't kinapopootan ko ang bawat huwad na daan. Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko. Ako'y sumumpa at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang matutuwid na mga batas mo. Ako'y lubos na nagdadalamhati, muli mo akong buhayin, O PANGINOON, ayon sa iyong salita. O PANGINOON, ang aking handog na pagpupuri ay tanggapin mo, at ituro mo sa akin ang mga batas mo. Patuloy kong hawak sa kamay ko ang aking buhay, gayunma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.