Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; Sapagka't mga laging sumasa akin. Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, Upang aking masunod ang salita mo. Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; Sapagka't iyong tinuruan ako. Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: Kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling. Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:97-109
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas