Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 119:56-62

MGA AWIT 119:56-62 ABTAG01

Ito ang tinamo ko, sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin mo. Ang PANGINOON ay aking bahagi; aking ipinangangako na tutuparin ang iyong mga salita. Aking hinihiling ang iyong biyaya nang buong puso ko; mahabag ka sa akin ayon sa iyong pangako. Inisip ko ang mga lakad ko, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. Ako'y nagmamadali at hindi naaantala na sundin ang iyong mga utos. Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; hindi ko nalimutan ang iyong kautusan. Sa hatinggabi ay babangon ako upang ikaw ay purihin, dahil sa iyong mga matuwid na tuntunin.