Ito ang tinamo ko, Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. Ang Panginoon ay aking bahagi: Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, Na sundin ang iyong mga utos. Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan. Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 119:56-62
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas