Ang masama ay tumatakas gayong wala namang humahabol; ngunit ang mga matuwid ay matatapang na parang leon. Kapag ang lupain ay naghihimagsik, marami ang kanyang mga pinuno; ngunit kapag ang pinuno ay may unawa at kaalaman, magpapatuloy ang katatagan nito. Ang dukha na umaapi sa dukha, ay bugso ng ulan na walang pagkaing iniiwan. Silang nagpapabaya sa kautusan ay nagpupuri sa masama; ngunit ang nag-iingat ng kautusan ay nakipaglaban sa kanila. Ang masasamang tao ay hindi nakakaunawa ng katarungan, ngunit silang nagsisihanap sa PANGINOON ay nakakaunawa nito nang lubusan. Mas mabuti ang dukha na lumalakad sa kanyang katapatan, kaysa taong mayaman na liko sa kanyang mga daan.
Basahin MGA KAWIKAAN 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 28:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas