Mga Kawikaan 28:1-6
Mga Kawikaan 28:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.
Mga Kawikaan 28:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit ang matuwid ay matapang tulad ng leon. Kapag ang isang bansa ay makasalanan, madalas nilang palitan ang kanilang pinuno. Ngunit kung may karunungan at pang-unawa ang kanilang pinuno, matatag ang kalagayan ng kanilang bayan. Ang taong mahirap na ginigipit ang kapwa mahirap ay tulad ng malakas na ulan na sumisira sa pananim. Pinupuri ng masama ang mga taong lumalabag sa utos, ngunit ang sumusunod dito, kinakalaban ang masama. Hindi maintindihan ng masasama ang katarungan, ngunit lubos itong nauunawaan ng mga lumalapit sa PANGINOON. Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa mayaman na namumuhay sa kasalanan.
Mga Kawikaan 28:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon. Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo: nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya. Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain. Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila. Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan: nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay. Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
Mga Kawikaan 28:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.
Mga Kawikaan 28:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: Nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon. Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo: Nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya. Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha Ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain. Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: Nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila. Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan: Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay. Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, Kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.