Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.
Basahin Mga Kawikaan 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 28:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas