Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 28:1-6

Mga Kawikaan 28:1-6 RTPV05

Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Kawikaan 28:1-6