Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JONAS 2:7-10

JONAS 2:7-10 ABTAG01

Nang ang aking buhay ay nanlulupaypay, naalala ko ang PANGINOON; at ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo. Ang mga nagpapahalaga sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan ay nagtatakuwil ng kanilang tunay na katapatan. Ngunit ako'y mag-aalay sa iyo na may tinig ng pasasalamat. Aking tutuparin ang aking ipinanata. Ang pagliligtas ay mula sa PANGINOON!” At inutusan ng PANGINOON ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa.