Jonas 2:7-10
Jonas 2:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.
Jonas 2:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang parang mamamatay na ako, tumawag ako sa inyo, PANGINOON, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo. Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo. Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat. Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo. Kayo po, PANGINOON, ang nagliligtas.” Kaya inutusan ng PANGINOON ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.
Jonas 2:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo. Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan. Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon. At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Jonas 2:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.
Jonas 2:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)