Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jonas 2:7-10

Jonas 2:7-10 RTPV05

Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo. Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!” Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.