Pagkatapos ay sumagot si Job at sinabi, “O tinimbang sana ang aking pagkayamot, at lahat ng aking mga sakuna ay inilagay sana sa mga timbangan. Sapagkat kung gayon iyon ay magiging mas mabigat pa kaysa buhangin sa dagat; kaya't ang aking mga salita ay naging padalus-dalos. Sapagkat ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasa akin, iniinom ng aking espiritu ang kanilang lason; ang mga kilabot ng Diyos ay nakahanay laban sa akin. Umuungal ba ang mailap na asno kapag mayroon siyang damo? O inuungalan ba ng baka ang kanyang pagkain? Ang wala bang lasa ay makakain nang walang asin? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? Wala akong ganang hawakan ang mga iyon; ang mga iyon ay parang nakakapandiring pagkain sa akin. “Makamit ko nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa ng Diyos ang aking minimithi; na kalugdan nawa ng Diyos na durugin ako; na ibitaw niya ang kanyang kamay, at putulin ako! Ito nga ang magiging kaaliwan ko; magsasaya pa ako sa walang tigil na sakit; sapagkat hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. Ano ang aking lakas, upang ako'y maghintay? At ano ang aking wakas upang ako'y magtiis? Ang lakas ko ba ay lakas ng mga bato, o ang laman ko ba ay tanso? Sa totoo ay walang tulong sa akin, at anumang mapagkukunan ay inilayo sa akin. “Siyang nagkakait ng kagandahang-loob sa kanyang kaibigan ay nagtatakuwil ng takot sa Makapangyarihan sa lahat. Ang aking mga kapatid ay mapandayang tulad sa batis, na parang daluyan ng mga batis na lumilipas
Basahin JOB 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 6:1-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas