Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 6:1-15

Job 6:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

Sumagot si Job, “Kung matitimbang lang ang dinaranas kong pagtitiis at paghihirap, mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita ako nang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti. Sapagkat para akong pinana ng Makapangyarihan na Dios ng panang nakakalason, at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang nakakatakot na pana ng Dios ay nakatusok na sa akin. Wala ba akong karapatang dumaing? Kahit asnong-gubat at baka ay umaatungal kapag walang damo. Ang tao namaʼy nagrereklamo kapag walang asin ang kanyang pagkain, lalo naʼt kung ang kakainin ay puti lang ng itlog. Ako man ay wala ring ganang kainin iyan, para akong masusuka. “Nawaʼy ibigay ng Dios sa akin ang aking kahilingan. Matanggap ko na sana ang aking hinahangad, na bawiin na lang sana ng Dios ang aking buhay. At kapag itoʼy nangyari, masaya pa rin ako, dahil sa kabila ng aking paghihirap hinding-hindi ko itinakwil ang mga salita ng Banal na Dios. “Ngunit pagod na akong maghintay at wala na rin akong maaasahan pa. Bakit kailangang patagalin pa ang buhay ko? Kasingtibay ba ako ng bato at gawa ba sa tanso ang katawan ko? Hindi! Wala na akong lakas para iligtas ang sarili ko. Wala na rin akong pagkakataong magtagumpay pa. “Bilang mga kaibigan nais kong damayan ninyo ako sa paghihirap kong ito, kahit na sa tingin ninyoʼy itinakwil ko na ang Dios na Makapangyarihan. Pero kayong mga itinuturing kong kapatid ay hindi pala maaasahan; para kayong sapa na kung minsan ay umaapaw ang tubig at kung minsan naman ay tuyo.

Job 6:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago

Job 6:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: Kaya't ang aking pananalita ay napabigla. Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, Ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; Ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; Mga karumaldumal na pagkain sa akin. Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; At ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; Na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; Sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? Di ba ako'y walang sukat na kaya, At ang karunungan ay lumayo sa akin? Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; Kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, Na parang daan ng mga batis na nababago