Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 13:1-15

JOB 13:1-15 ABTAG01

“Narito, nakita ang lahat ng ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: Hindi ako mababa sa inyo. Ngunit ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nais kong ipagtanggol ang aking usapin sa Diyos. Ngunit kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan, kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. Nawa ay tumahimik kayong lahat, at magiging inyong karunungan! Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at ang mga pakikiusap ng aking mga labi ay inyong pakinggan. Kayo ba'y magsasalita ng kabulaanan para sa Diyos, at mangungusap na may pandaraya para sa kanya? Kayo ba'y magpapakita ng pagpanig sa kanya? Ipapakiusap ba ninyo ang usapin para sa Diyos? Makakabuti ba sa inyo kapag siniyasat niya kayo? O madadaya mo ba siya tulad ng pandaraya sa isang tao? Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung sa lihim ay magpapakita kayo ng pagtatangi. Hindi ba kayo tatakutin ng kanyang kamahalan, at ang sindak sa kanya ay sasainyo? Ang inyong mga di-malilimot na kasabihan ay kawikaang abo, ang inyong mga sanggalang ay mga sanggalang na putik. “Bigyan ninyo ako ng katahimikan, at ako'y magsasalita, at hayaang dumating sa akin ang anuman. Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at ilalagay ko ang aking buhay sa aking kamay? Bagaman ako'y patayin niya, ako'y aasa pa rin sa kanya, gayunma'y ipagtatanggol ko ang aking mga lakad sa harapan niya.