Job 13:1-15
Job 13:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan. Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin. Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog. Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi. Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin. “Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko. Ipagtatanggol nʼyo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya? Kung siyasatin kaya kayo ng Dios, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao. Tiyak na sasawayin kayo ng Dios kahit na kinakampihan ninyo siya. Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya? Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok. “Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na. Nakahanda akong itaya ang buhay ko. Tiyak na papatayin ako ng Dios; wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya.
Job 13:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: Hindi ako huli sa inyo. Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? Walang pagsalang sasawayin niya kayo, Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, At paratingin sa akin ang darating. Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
Job 13:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin, Ang alam mo'y alam ko rin, hindi ka higit sa akin. Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan, sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan. Ngunit kayo'y mga sinungaling, tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin. Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino. Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain. Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan? Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan? Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan? Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita, siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba? Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan, kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan. Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan. Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo, singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo. “Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain, hayaang mangyari ang mangyayari sa akin. Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin. Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.
Job 13:1-15 Ang Biblia (TLAB)
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating. Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
Job 13:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)