Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 13

13
Iginiit ni Job na Wala Siyang Kasalanan
1“Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin,
2Ang alam mo'y alam ko rin,
hindi ka higit sa akin.
3Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan,
sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan.
4Ngunit kayo'y mga sinungaling,
tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin.
5Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino.
6Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain.
7Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan?
Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan?
8Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban?
Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan?
9Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita,
siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba?
10Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan,
kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan.
11Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan.
12Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo,
singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.
13“Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain,
hayaang mangyari ang mangyayari sa akin.
14Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin.
15Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin,
maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.
16Maaaring iligtas ako ng aking katapangan,
sapagkat wala namang masamang tao na makakaharap sa Maykapal.
17Pakinggan mong mabuti itong aking sasabihin, itong paliwanag ko ay iyong unawain.
18Nakahanda akong ilahad ang aking panig,
sapagkat alam ko namang ako ay nasa katuwiran.
19“O Diyos, lalapit ka ba upang ako'y usigin?
Kung gayon, handa akong manahimik at mamatay.
20Mayroon akong dalawang kahilingan,
at ako'y di magtatago kung iyong papayagan.
21Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin.
22“Magsalita ka, at aking tutugunin,
o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin.
23Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan?
Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman?
24“Bakit ako'y iyong pinagtataguan?
Bakit itinuturing mo akong isang kaaway?
25Para akong isang dahon, huwag mo na akong takutin,
ang katulad ko'y ipa, na tinatangay ng hangin.
26Kay pait naman ng iyong mga paratang,
kasalanan ko noong ako'y bata iyo pang ibinibilang.
27Itong#Job 33:11. aking mga paa'y nilagyan pa ng gapos,
tinitingnan, sinusuri ang aking bawat kilos.
28Kaya't ako'y parang kahoy na nabubulok,
parang damit na nasisira, unti-unting nauubos.

Kasalukuyang Napili:

Job 13: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in