“Ginantimpalaan ako ng PANGINOON ayon sa aking katuwiran; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kanya akong ginantihan. Sapagkat ang mga daan ng PANGINOON ay aking iningatan, at mula sa aking Diyos ay hindi humiwalay na may kasamaan. Sapagkat ang lahat niyang batas ay nasa aking harapan, at mula sa kanyang mga tuntunin ay hindi ako humiwalay. Ako'y walang kapintasan sa harapan niya, at iningatan ko ang aking sarili mula sa pagkakasala. Kaya't ginantihan ako ng PANGINOON ayon sa aking katuwiran, ayon sa aking kalinisan sa kanyang harapan. “Sa tapat ay nagpapakita ka ng katapatan; sa taong walang kapintasan ay nagpapakita ka ng pagiging walang kapintasan; sa dalisay ay magpapakita ka ng kadalisayan; at sa mga liko ay magpapakita ka ng kalikuan. Inililigtas mo ang isang bayang mapagpakumbaba, ngunit ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas upang sila'y iyong maibaba. Oo, ikaw ang aking ilawan, O PANGINOON: at tinatanglawan ng aking Diyos ang aking kadiliman. Oo, sa pamamagitan mo ang isang pangkat ay aking mapupuksa, at sa pamamagitan ng aking Diyos ay aking malulukso ang isang kuta. Ang Diyos na ito—sakdal ang kanyang daan; ang pangako ng PANGINOON ay subok na tunay; sa lahat ng kumakanlong sa kanya, siya'y pananggalang. “Sapagkat sino ang Diyos, kundi ang PANGINOON? At sino ang malaking bato, liban sa ating Diyos? Ang Diyos ay aking matibay na tanggulan, at ginawa niyang ligtas ang aking daan.
Basahin II SAMUEL 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: II SAMUEL 22:21-33
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas