Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II SAMUEL 22:21-33

II SAMUEL 22:21-33 ABTAG

Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako. Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios. Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan. Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan. Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin. Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka; Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka. At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain. Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta. Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong. Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios? Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.