2 Samuel 22:21-33
2 Samuel 22:21-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako. Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios. Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan. Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan. Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin. Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka; Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka. At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain. Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta. Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong. Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios? Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
2 Samuel 22:21-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran, pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan. Sapagkat ang tuntunin ni Yahweh ay aking sinunod, hindi ako lumihis sa landas ng aking Diyos. Aking sinunod ang buong kautusan, isa mang utos niya'y hindi ko sinuway. Nalalaman niyang ako'y walang sala, sa gawang masama'y lumalayo tuwina. Kaya't ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran; pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan. “Sa mga taong tapat, ikaw rin ay tapat, sa mga matuwid, matuwid kang ganap. Sa pusong malinis, bukás ka at tapat, ngunit sa mga baluktot, hatol mo'y marahas. Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak. Ikaw po, O Yahweh, ang aking tanglaw, pinawi mong lubos ang aking kadiliman. Sa tulong mo'y nalulupig ko ang mga kaaway, sa pamamagitan mo, Diyos, anumang pader ay nahahakbang. Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag. “Maliban kay Yahweh, may Diyos pa bang iba? Iisang tanggulan, hindi ba't siya na? Ang Diyos ang aking muog na kanlungan, ang nag-iingat sa aking daraanan.

2 Samuel 22:21-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran. Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan. Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, PANGINOON na aking Dios. Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos. Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong wala akong ginagawang kasalanan. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas. PANGINOON, kayo ang aking liwanag Sa kadiliman kayo ang aking ilaw. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo. Kayo lang, PANGINOON, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.
2 Samuel 22:21-33 Ang Biblia (TLAB)
Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako. Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios. Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan. Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan. Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin. Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka; Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka. At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain. Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta. Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong. Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios? Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
2 Samuel 22:21-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)