Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 118:23-29

Mga Awit 118:23-29 MBB05

Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan. O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang! Kami ay iligtas, tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas! At pagtagumpayin sa layuni't hangad. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ni Yahweh; magmula sa templo, mga pagpapala'y kanyang tatanggapin! Si Yahweh ang Diyos, pagkabuti niya sa mga hinirang. Tayo ay magdala ng sanga ng kahoy, simulang magdiwang, at tayo'y lumapit sa dambanang banal. Ikaw ay aking Diyos, kaya naman ako'y nagpapasalamat; ang pagkadakila mo ay ihahayag. O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya'y mabuti; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 118:23-29