Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?Sample
Ikaapat na araw: Laban, mga Kapatid!
Minsan ay wala na tayong pagkakataong tumakbo o magtago pa dahil nariyan na ang kalaban. We are trapped! Ano ang next plan?
Sa ating buhay-espirituwal, kailangan nating lumaban and stand up for our faith in Jesus. At ang pinakamagaling na sandata ay ibinigay na ng Diyos sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanya. “Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang tao—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.
“Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangngaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kungdi ang Salita ng Diyos” (Mga Taga-Efeso 6:10-17). At huwag din nating kalimutan ang kahalagahan ng panalangin.
Laban, mga kapatid!
Basahin: Mga Taga-Efeso 6:10-17
Pag-isipan: Bakit mga gamit pandigma ang kasuotang ibinigay sa atin ng Diyos? Ano sa mga ito ang madalas mong isuot at bakit?
Scripture
About this Plan
Aaligid-aligid man ang ating kalaban, nariyan ang Panginoon na nagbibigay ng lakas upang tayo ay makaiwas sa panganib at kamatayan.
More