YouVersion Logo
Search Icon

Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?Sample

Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?

DAY 2 OF 5

Ikalawang araw: Takbo, Bilis, Takbo!

Sino ang hindi tatakbo kung sakaling mayroong pagtatangka sa kanyang buhay? Para sa isang alagad ni Jesus, ang pagtakbo ay napakahalaga upang makaiwas sa spiritual danger. Huwag nang mag-second thought kung dapat nga itong gawin. Hanggang may exit na bukas at hindi pa shut down ang lugar, tumakas ka na!

Sa Bibliya ay mababasa natin ang pagtakbong ginawa ni Joseph. Siya ay natipuhan ng misis ng kanyang boss, kaya siya ay sinabihan ng ganito: “Sipingan mo ako” (Genesis 39:7). Alam ni Joseph na nasa peligro siya kaya tumanggi ito at sinabi, “Panatag po ang kalooban ng aking panginoon sapagkat ako’y narito. Ginawa niya akong katiwala, at ipinamahala niya sa akin ang lahat sa bahay na ito, maliban sa inyo na kanyang asawa. Hindi ko po magagawa ang ganyang kalaking kataksilan at pagkakasala sa Diyos” (vv.8-9).

Mapilit ang babae at araw-araw itong nakikiusap na pagbigyan siya. Dumating ang araw na walang ibang tao sa bahay, kaya sinubukan muli ng babae kung makakalusot na siya. Pero tumakbo palabas si Joseph.

Madalas tayong magsabing “It just happened!” o “Pinilit ako!” kung tayo ay nagkasala. Pero ang ejemplo ni Joseph ay nagpapatunay na kahit araw-arawin ka ng tukso ay kaya mong tumanggi. Sinabi ni Apostol Pablo, “Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya… Bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Mga Taga-Corinto 10:13).

Basahin: Genesis 39:1-12

Pag-isipan: Ano ang pinahalagahan ni Joseph upang makatakbo at makaiwas sa tukso?

Day 1Day 3