Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?Sample
Ikatlong araw: Taguan Pung!
Ang Taguan Pung ay isang timeless kids' game kung saan ay mayroong taya at mga nagtatago. Kung sino man ang unang mahanap ay ang susunod na “it.” Ang objective of the game is to hide as best as you can para mahirapan sa paghahanap ang taya.
Dumating ang panahon na gustong patayin ni Haring Saul si David, kaya nagtago ito at ang kanyang mga kasama sa ilang. Umakyat sila pataas, sa Engedi, ng nabalitaan nilang papalapit ang hari at ang mga tauhan nito.
Alam mo bang mayroon tayong safe refuge sa Panginoon, kung saan tayo ay maaaring magtago sa panganib? Narito ang sinabi si Salmo 91:
“Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: ‘Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagkakatiwalaan.' Sa panganib at bitag ika’y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay si ka magdaranas. Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya’y ipagsasanggalang, pagkat siya’ya matapat. Pagsapit ng gabi di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa’y wala kang takot, sa araw man dumating” (vv.1-6).
Huwag mo nang hintayin pang mahuli ka ng kalaban. Magtago ka na sa Panginoon upang malayo ka sa panganib!
Basahin: Salmo 91:1-6
Pag-isipan: Alalahanin ang isang pagkakataong umasa ka sa pagkupkop ng Panginoon. Isulat ang isang pasasalamat tungkol sa pangyayaring ito.
Scripture
About this Plan
Aaligid-aligid man ang ating kalaban, nariyan ang Panginoon na nagbibigay ng lakas upang tayo ay makaiwas sa panganib at kamatayan.
More