Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?Sample
Unang araw: Ang Kaaway
Alam mo bang mayroong nagbabanta sa ating buhay araw-araw? Hindi lamang isang peligro ang kanyang balak na ihatid sa atin kung hindi multiple attacks at inihandang pang matagalang engagement. Hindi siya titigil hanggang hindi tayo tuluyang masira at mamatay.
Kailangang kilalanin kung sino ang ating kaaway upang tayo ay makapaghanda. Siya ay si Satanas, ang kalaban na parang isang leon na “umaatungal at aaligid-aligid na naghahanap ng masisila” (1 Pedro 5:8)...nagmamasid at nag-aabang sa kanyang sasalakayin.
Sa aklat ni Job, tinanong ni Yahweh si Satanas, “Ano ba’ng pinagkakaabalahan mo ngayon?” Ang sagot ni Satanas? “Nagpapabalik-balik ako sa lahat ng sulok ng daigdig” (Job 1:7). Kaya huwag na tayong magtaka pa dahil playground ni Satanas ang mundo. Hindi man natin siya namamalayan, siya ay tuso at mapaglinlang.
Araw-araw ay nagbabanta sa ating buhay si Satanas kaya dapat nating alamin kung ano ang ating gagawin upang hindi tayo mapasama at maging isang statistic. Kailangan nating i-claim ang ating victory in Jesus Christ!
Basahin: Job 1
Pag-isipan: Base sa iyong binasa, anong conclusion mo tungkol sa kakayahan ni Yahweh at ni Satanas sa kanilang pag-uusap?
Scripture
About this Plan
Aaligid-aligid man ang ating kalaban, nariyan ang Panginoon na nagbibigay ng lakas upang tayo ay makaiwas sa panganib at kamatayan.
More