Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings FreedomSample
Magliwanag daw?!
Tinuturo ng Biblia na si Jesus ang Ilaw at Tagapagligtas ng sanlibutan. Hindi lang tayo ang iniligtas ni Jesus, nais din Niyang tulungan ang iba na makakilala sa Kanya. Nang dumating sa ating buhay ang ilaw ni Jesus, tayo naman ay nagiging ilaw sa ating paligid.
At sinasabi ni Jesus, “Magliwanag ka!”
Pipiliin mo bang maging ilaw?
Maaaring narinig na natin ang Dakilang Mandato: “Humayo kayo sa sanlibutan at ipangaral ang Ebanghelyo!” Ito ay kinakailangang maisakatuparan bago ang wakas.
Nais ni Jesus na pagliwanagin natin ang ilaw Niya sa pamamagitan ng ating buhay. Tayo ay maging tapat na saksi at sabihin ang mabubuting bagay na ginawa ng Panginoon at ang dakilang kaligtasan na iniaalok Niya sa lahat.
Tandaan mo: Ibinigay ni Jesus ang Kanyang ilaw sa atin, at ngayo’y may pribilehiyo tayong hayaang magliwanag ang Kanyang ilaw sa pamamagitan ng ating buhay.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Ihayag ang Kanyang liwanag at katotohanan sa'yo!
- Puspusin ka ng Kanyang liwanag upang magliwanag ka rin sa iba.
- Bigyan ka ng katapangang ibahagi ang Kanyang ginawa sa iyong pamilya’t mga kaibigan.
Pag-isipan mo sumandali:
- Paanong ipinapakita ng Diyos ang Kanyang liwanag at katotohanan sa sanlibutan?
- Ano ang kailangan natin bago maibahagi ang liwanag natin sa iba? (Gawa 1:8, Isaias 60:1)
- Isang karangalan ba na mapili ka upang maging saksi ng Diyos?
- Ang unang mga alagad ay handang magsakripisyo ng lahat, maging ang kanilang buhay, dahil sa pananampalataya nila kay Jesus. Sila nga ay tunay na naniniwala na si Jesus ang Tagapaglitas. Ngayon, ano ang handa mong isakripisyo para sa iyong pananampalataya kay Jesus?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
About this Plan
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
More