Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings FreedomSample
Ang unang nagmahal sa'yo...
Bago ka man maipanganak sa mundo.... Bago ka nakita ng iyong mom at dad, mayroon nang nagmamahal sa'yo... ang Diyos Ama!
Sa mundong ibabaw na ito, marami ang amang dumarating at umaalis, marami rin ang walang pakialam sa kanilang mga anak.
Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay perpekto, hindi katulad ng pag-ibig ng tao na pabago-bago.
Siya’y mabuting Ama!
Mayroon ka mang mabuting tatay sa mundo o wala – ang Diyos ang Amang nasa langit na mananatiling mabuti at tapat sa'yo. Ipinangako ng Diyos na Siya’y laging nariyan para sa’yo. Hindi ka Niya iiwan o pababayaan man.
Mahal ka Niya ng walang pasubali – higit pa sa inaasahan mo! Ang bagong buhay kay Cristo ay nagsisimula sa Kanyang perpektong pag-ibig.
Siya ang pinakamainam na Ama. At ang Kanyang pag-ibig ay hindi mo mahahanap sa iba. Siya ang Ama na matagal mo nang inaasam. Hayaan mong yakapin ka Niya.
Hinihintay ka lamang Niyang lumapit.
Tandaan mo: Ang iyong Amang nasa langit ay mahal na mahal ka ng panghabambuhay na klase ng pag-ibig.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Mahalin ka ng walang kondisyon.
- Manatili sa tabi mo magpakailanman.
- Ipakita sa'yo na Siya’y mabuting Ama at ika’y Kanyang pangangalagaan.
- Pagalingin ang sugatan mong puso, aliwin ka, at bigyan ka ng Kanyang kapayapaan.
Pag-isipan mo sumandali:
- Mayroon bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos? (Roma 8:38)
- Paano mo mailalarawan ang “walang pasubali” na pag-ibig?
- Mayroon pa bang iba na kaya kang mahalin magpakailanman?
- Paanong nagbibigay ang mabuting ama sa kanyang mga anak?
- Ano ang sinasabi ng mga talatang ito na maaaring makatulong upang malaman natin na iniingatan tayo ng Diyos? (Mateo 6:26,30)
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
About this Plan
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
More