YouVersion Logo
Search Icon

Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings FreedomSample

Bagong Buhay Kay Cristo |  5-Day Series from Light Brings Freedom

DAY 2 OF 5

Oops... nasira!

May nasira ka na bang napakahalaga sa’yo? Sinubukan mo ba itong ayusin gamit ang superglue? Napakahirap na mabuo ulit, 'di ba? Napakasimple 'ng ilustrasyon, pero in the same way, ang tao ay nasira dahil sa kasalanan, at hindi na mabuo ulit, anuman ang gawin natin. 

Hindi tayo “maaayos” ng sinumang doctor, pastor o psychiatrist... maliban na gawin tayong bago ni Cristo. Sa pagpasok Niya sa ating buhay, binabago Niya ang lahat ng bagay. 

Ang Totoong Pagbabago

Katulad ng pagsilang ng bata sa natural, tayo din ay kailangang munang maranasan ang muling pagsilang sa espiritu, upang makaranas ng bagong buhay na ito. 

Kapag ating pinagsisihan ang ating mga kasalanan, tayo’y bibigyan ng Diyos ng bago at tamang espiritu. Sa aklat ng mga Awit, nanalangin si Haring David, “Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.” 

Binabago ng Banal na Espiritu ang ating ugali, at ang ating pamumuhay ay umaayon sa nais ng banal na Diyos. Nais Niya tayong tulungang mamuhay sa ating bagong buhay kay Cristo, ayon sa Kanyang disenyo para sa atin.

Tandaan mo: Ang bagong buhay ay himala ng Diyos sa buhay ng bawat isa na hihingi sa Kanya. 
 

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Baguhin ka mula sa “pagkasira" papunta sa "pagkabuo,” at mula sa “makasalanan" papunta sa "banal”.
  • Kunin ang iyong pighati at pagkatakot. Bigyan ka ng kaaliwan at kapayapaan.
  • Pagalingin ka at maging iyong mapagmahal na kaibigan.

Pag-isipan mo sumandali:

  1. Nakaranas ka na ba ng pagkadurog sa iyong buhay? Ang Diyos ay dalubhasa sa pagbubuo sa mga taong nawasak, at nag-aalok ng bagong simula.
  2. Ang buhay ni Saulo ay magandang halimbawa ng matinding pagbabago, mula sa pagiging mang-uusig tungo sa pagiging tagasunod ni Jesus. (Basahin ang Gawa 9:1-31) 
  3. Paano makikita si Cristo sa aking mga salita at gawa?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

Day 1Day 3

About this Plan

Bagong Buhay Kay Cristo |  5-Day Series from Light Brings Freedom

Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)

More