Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings FreedomSample
Ang pinakamagandang istorya sa mundo...
Ang istorya patungkol kay Jesus ay ang istorya na maaaring magbago ng buhay kung atin itong mauunawaan!
Ito ang simpleng paliwanag: Si Jesus, ang Banal na Anak ng Diyos na kailanma’y hindi nagkasala, ay namatay sa krus. Siya na walang anumang kasalanan ay itinuring na Siya ang nakagawa ng lahat ng kasalanan ng tao. Bakit? Upang tayo ay ibilang na matuwid at walang kasalanan sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos.
Gayon na lamang ang lubos Niyang pagmamahal sa atin. Hindi lamang Niya pinagbayaran ang ating mga kasalanan nang mamatay Siya sa krus, bagkus ay dinaig pa Niya ang kamatayan, at nabuhay na muli sa ikatlong araw upang bigyan tayo ng pag-asa sa buhay na walang hanggan.
Dahil kay Jesus, maaari tayong maging matuwid.
Salamat sa Panginoong Jesus sa ginawa Niya para sa atin! “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, Siya’y itinuring na makasalanan upang maging matuwid tayo sa harapan ng Diyos” (2 Corinto 5:21). Iyan ang Mabuting Balita!
Tandaan mo: Si Jesus ang mensahe ng kaligtasan ng Diyos. Kinuha Niya ang kabayaran ng ating mga kasalanan upang tayo’y maging matuwid.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Iligtas ka sa kakila-kilabot na kabayaran ng kasalanan.
- Maging iyong Tagapagligtas, Panginoon at kaibigan.
- Ipakita sa’yo ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo.
Pag-isipan mo sumandali:
- Noong ipinanganak si Jesus, bakit sinabi ng mga anghel na sila ay may hatid na “mabuting balita na magdudulot ng kagalakan sa sanlibutan”?
- Ano ang kahulugan ng pangalang “Jesus”? (Mateo 1:21)
- Bakit napakamakapangyarihan ng Ebanghelyo?
- Bakit ang muling pagkabuhay ni Jesus ay napakahalagang bahagi ng mensaheng ito?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
About this Plan
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)
More