Sirang PlakaMuestra
Ang Listahan ni Kristo
Sa huling gabay ng Matibay sa mga Wasak na Lugar, titingnan natin ang naging sirang plaka ni Kristo. Subalit, ang Kanyang listahan ay sadyang winasak para sa iyo at para sa akin. Una nating titingnan ang Kanyang talaan mula sa propesiya, kung ano ang sinabi ng mga propeta tungkol sa Kanya at sa Kanyang mga gagawin. Pagkatapos ay titingnan natin ang Kanyang mismong talaan — ang kanyang mga ginawa dahil ang mga gawa ay nangungusap nang mas malakas kaysa sa mga salita. Titingnan din natin ang Kanyang sirang listahan bilang paghahambing sa ating sariling sirang listahan.
Isinulat ng mananalaysay na si Lucas na naibigay kay Hesus ang libro ni Isaias at sinimulan Niyang basahin ito. Pakinggan kung ano ang sinabi ng propeta tungkol sa gagawin ng Mesias. Mangangaral siya ng ebanghelyo sa mga mahihirap, pagagalingin ang mga taong nawasak ang puso, ihahayag ang kalayaan sa mga bihag, ibabalik ang paningin ng mga bulag, at palalayain ang mga inaapi. Ito’y kamangha-manghang listahan ng mga tagumpay. Isinulat ni Mateo kung ano ang mismong ginawa ni Hesus. Ibinalik Niya ang paningin ng mga bulag, pinalakad ang mga pilay, nilinis ang mga ketongin, ibinalik ang pandinig ng mga bingi, binuhay ang patay, at ipinangaral ang ebanghelyo sa mga mahihirap. Ginawa Niya kung ano ang sinabi Niyang gagawin Niya. Isinabuhay Niya ang Kanyang mga salita. Ang listahan ni Kristo ay mismong nagpapakita kung ano ang sinabing gagawin ng Mesias. Ito’y kamangha-manghang listahan.
Subalit walang kabuluhan ang mga ito kung hindi natin makikita at maiintindihan ang Kanyang naging sirang plaka — ang Kanyang pagkamatay sa krus. Sa lugar na ito, Siya ay winasak para sa ating pagkawasak. Una nang nabanggit ni David sa kanyang salmo, daan-daang taon bago pa man naimbento ang pagpapako sa krus, ang pagkawasak kay Kristo. Ganito ang kanyang pagkakalarawan — ibinuhos na parang tubig, lahat ng mga buto ay wala sa tamang pwesto, pusong natunaw na parang waks, kalakasang natuyo, ang dilang kumakapit sa panga, mga kamay at paang tinusok, napapalibutan ng kasamaan, at lahat ng Kanyang pagmamay-ari ay kinuha — ang lahat ng ito’y eksaktong paglalarawan sa nakapangingilabot na kamatayang dinanas ni Kristo para sa iyo at para sa akin.
Makikita mo na si Kristo ay winasak para pagalingin ang ating pagkawasak, at ang Kanyang sirang plaka ay isang bagay na nakapasa sa pagsubok ng panahon. Sa pamamagitan ng simpleng pagtitiwala sa Kanyang ginawa sa krus, ang iyong kawasakan ay maaaaring gumaling, ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad, at siguradong makakasama Siya magpakailanman. Hindi ka mananatiling wasak dahil ikaw ay pinatibay sa mga wasak na lugar dahil kay Hesu Kristo. Hallelujah!
Para sa karagdagang mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa “Matibay sa mga Wasak na Lugar” – podcasts at libreng gabay na pwedeng i-download – bisitahin ang Click Here . Ang Grace Center for Spiritual Development at Grace School of Theology ay mayroong non-degree studies, live online bible study opportunities, at resources na katulad nito.
Acerca de este Plan
Binabangungot ka ba ng damdamin ng pagkakasala at wasak na espiritu? Ang buhay mo ba ay parang sirang plaka kung saan paulit-ulit na binibisita ang iyong nakaraan? Sa huling mensaheng ito, aalamin natin kung papaano tayo winawasak at pinapaluhod ng mga listahan ng ating nakaraang buhay. Magandang malaman na si Kristo ay mayroon ding sirang plaka. Samakatuwid, Siya ay sinira upang iligtas at pagalingin ang ating kawasakan.
More