Logo de YouVersion
Ícono Búsqueda

Sirang PlakaMuestra

Sirang Plaka

DÍA 2 DE 3

Ang Listahan ni Pablo

Pagmuni-munihan ang iyong buhay. Kapag tiningnan mo ang iyong nakaraan, nakikita mo ba ang lugar ng pagsubok, kabiguan, kawalan, pagdurusa, at pangamba? Ano ang itsura ng iyong listahan? Karamihan sa atin ay may mga lugar sa ating buhay kung saan tayo ay nawasak at nangailangan ng pagpapagaling. Subalit, kung mayroong isang taong nagkaroon ng sirang plaka, ito ay si apostol Pablo. Ibinahagi niya ang listahan ng kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang liham para sa iglesia ng mga Filipos. Tingnan natin ang buhay ni Pablo.

Una niyang sinabi na dahil sa kanyang lahi at mga gawa, siya ang pinakamahusay sa lahat. Dito niya nakukuha ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Ginawa niya ang lahat nang tama — maayos ang kanyang pangangatawan, maganda ang kinabibilangan niyang lahi at tribo, relihiyoso siya at matino sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sa pamantayan ng mundo, ng kanyang mga kaibigan, at ng kanyang sarili, siya ang pinakamahusay. Samakatuwid, sobra siyang masigasig sa pag-uusig sa mga Kristiyano at sa pagbibigay ng utos upang sila’y ipapatay sa pamamagitan ng pamamato. Kakaiba ang kanyang kayabangan at ipinapatay niya ang mga Kristiyano dahil akala niya na ito ang tama. Hindi mo nanaisin na makilala si Pablo noong siya’y si Saul, isang Pariseo.

Pero ngayon, pakinggan ang tinubos na si Pablo. Sinabi niya na ang mga bagay na kinapakinabangan niya sa buhay ay balewala. Bakit? Ito’y dahil naging balakid ang mga ito upang makilala niya nang lubusan si Kristo. Samakatuwid, sinabi niya na ang kanyang lahi at mga gawa ay mga basura dahil naging hadlang lamang ang mga ito. Sa madaling salita, ang mga inakala niyang magbibigay ng kahalagahan ay nagdulot mismo ng kawalan, pero ang kanyang kawalan ay nagbigay sa kanya ng kahalagahan. Bakit? Ito’y dahil sa pamamagitan ng kanyang kawalan, mas nakilala niya nang malaliman si Kristo.

Kung kaya ni Kristo na tubusin ang sirang plaka ni Pablo, kaya din Niyang tubusin ang buhay ko at buhay mo. Walang duda — ito ang dahilan kung bakit nagpunta si Kristo sa mundo. Kung babalikan mo ang iyong mga naging karanasan, nakikita mo ba si Kristo at ang Kanyang pagpapagaling at pagpapalakas sa mga wasak na lugar ng iyong nakaraan? Iyan ang gawain ng isang tagapagligtas — Siya’y nangliligtas!

Día 1Día 3

Acerca de este Plan

Sirang Plaka

Binabangungot ka ba ng damdamin ng pagkakasala at wasak na espiritu? Ang buhay mo ba ay parang sirang plaka kung saan paulit-ulit na binibisita ang iyong nakaraan? Sa huling mensaheng ito, aalamin natin kung papaano tayo winawasak at pinapaluhod ng mga listahan ng ating nakaraang buhay. Magandang malaman na si Kristo ay mayroon ding sirang plaka. Samakatuwid, Siya ay sinira upang iligtas at pagalingin ang ating kawasakan.

More