Sirang PlakaMuestra
Ang Aking Listahan
Tiningnan natin ang mga bagay sa ating buhay na maaaring makasira sa atin – mga pagsubok, kabiguan, kabigatan, kawalan, at pag-aalinlangan. Sa mga huling gabay na ito, titingnan natin ang ating sirang plaka – ang listahan ng ating buhay. Kung mayroon kang kasiraan sa iyong buhay sa pamamagitan ng mga bagay na ito, makinig sa mga salita ng Skriptura. Sabi ni David na dinidinig ng Panginoon ang iyak ng mga taong namumuhay nang matuwid. Malapit Siya sa mga taong nabigo. Inililigtas Niya ang mga taong nahihirapan. Nangliligtas Siya at hindi nangongondena. Ang mga ito’y kamangha-mangha at nakakagaan na salitang mula sa Diyos ng sanlibutan para sa Kanyang mga anak.
Hiniling din ni David mula sa Panginoon na bigyan siya ng pusong malinis, matibay na spirito; ibalik ang kanyang kaligayahan at lagi siyang hawakan. Ito ang ginagawa ni Kristo at ng Banal na Espiritu para sa atin. Muling pakinggan ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ni David. Ang hiling niya ay para sa isang malinis na puso – ang gawa ni Kristo sa loob natin. Ang hiling niya ay isang matibay na espirito – ang kilos ng Banal na Espiritu sa loob natin. Hiling niya ang panunumbalik ng kaligayahan ng kaligtasan – ang kilos ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo sa loob natin, at ang kanyang hiling ay ang mahawakan – ang kilos ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa loob natin. Ganito din ba ang iyong mga kahilingan? Ibinigay na ng Diyos ang Kanyang Anak at ang Kanyang Banal na Espiritu na naninirahan at kumikilos sa loob natin at kasama natin; at sa pamamagitan natin para pagalingin hindi lang ang ating kawasakan kundi pati ang kawasakan sa mundo.
Papaano tayo dapat mabuhay nang may pagkilos ng Diyos sa loob natin? Isinulat ni Pablo sa kanyang liham para sa mga taga Corinto na ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa loob natin. Dahil dito, hindi tayo durog, hindi nangawawalan ng pag-asa, hindi pinabayaan, at hindi wasak dahil si Kristo ay nasa sa atin. Dagdag niya na lagi tayong dinadala sa pagtatagumpay. Kaya nating mamuhay nang matagumpay at maging halimuyak ng nabuhay na Kristo sa mundo. Sabi din ni Pablo na tayo ay halimuyak ni Kristo sa Diyos mismo! Si Kristo ay tinawag na manunubos dahil kaya Niyang tubusin ang kahit ano — kasama na ang aking sirang plaka. Sabi ni Selwyn Hughes na kapag tayo ay natisod, gawin ito nang paharap, at kapag tayo’y nahulog, gawin ito nang nakaluhod. Alam natin na tayo’y aahon nang mas malakas dahil ang Diyos ay kumikilos sa atin. Amen at Amen.
Acerca de este Plan
Binabangungot ka ba ng damdamin ng pagkakasala at wasak na espiritu? Ang buhay mo ba ay parang sirang plaka kung saan paulit-ulit na binibisita ang iyong nakaraan? Sa huling mensaheng ito, aalamin natin kung papaano tayo winawasak at pinapaluhod ng mga listahan ng ating nakaraang buhay. Magandang malaman na si Kristo ay mayroon ding sirang plaka. Samakatuwid, Siya ay sinira upang iligtas at pagalingin ang ating kawasakan.
More