"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
Pagbabasa ng Biblia // Kabanata 1: Paano ito Nakarating sa Atin
Ang kasaysayang ito ay lubos na makapangyarihan. Si Stephen ay isa sa pinakamagandang halimbawa na makikita natin sa Biblia ng isang taong muling isinalaysay ang kasaysayan ng piling bayan ng Diyos at ng Kanyang pagtubos sa buong panahon bago siya pinatay. Maraming mga kasaysayan na batid natin na ipinasa mula sa mga ama ng iglesia tungkol sa mga taong hiniwa, ibinitin, pinagbabato at iba pang paraan ng malupit na kamatayan dahil sa kanilang pananampalataya. Kung ang mga taong ito ay handang tiisin ang mga bagay na ito, tiyak na ito ay dahil naging saksi sila sa mga bagay na hindi kapani-paniwala at nakakapagbago ng buhay.
Kung ang kasaysayan ni Jesus ay isa lamang kabulaanan na ginawa ng mga taong nakasama Niya bago Siya ipinako sa krus, mahirap paniwalaang handa silang tiisin ang tunay ngang napakasakit na kamatayan na hindi nila inaaming ito ay isa lamang gawa-gawa. Milyon-milyong tao ang sa loob ng ilang libong taon ang nagsakripisyo para sa Biblia at nananatili pa rin itong pinakatanyag na aklat sa buong mundo. Ang Salita ng Diyos ay kahanga-hanga.
Mga Praktikal na Hakbang: Kapag mahirap ang pinagdaraanan natin sa ating buhay, dapat tayong mabigyan ng inspirasyon ng mga lalaki at babaeng tulad ni Stephen na ipinagsapalaran ang lahat para lamang masiguradong ang pananampalataya ay maipasa sa mga darating na salinlahi.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More