Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 4 NG 40

Pagbabasa ng Biblia // Kabanata 1: Paano ito Nakarating sa Atin

Kung ang plano ng Diyos ay mapasaatin ang Kanyang salita, isang nakasulat na liham para sa Kanyang bayan upang gabayan at turuan sila, paano magkakamali ang planong ito? Kinilala ni Job ang kagila-gilalas na kapangyarihan ng Diyos sa pagsasabing – ‘Kung nais Mo itong mangyari, mangyayari ito!’ Maaari itong gamitin sa Kanyang salita – bakit Niya hahayaan ang sinumang makahadlang/ makasira sa Kanyang salita samantalang Siya ay lubos na makapangyarihan?

Ito ay kataka-taka dahil sa kahanga-hangang kawastuan ng Biblia sa lahat ng mga henerasyon, hanggang sa pagtawid sa mga kontinente, at ngayon ay matatagpuan ito sa kamay ng halos lahat. At kung iisipin na ang lahat ng ito ay ginawa Niya upang mapasaatin ang nakasulat na Salita at malaman ang kasaysayan ng Kanyang Anak na si Jesus. Ang Biblia ay isa lamang sa maraming praktikal na pamamaraan kung paanong ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan.

Mga Praktikal na Hakbang: Hilingin sa Diyos na dagdagan ang ating pananampalataya na Siya talaga ang sinasabi Niya kung sino Siya, at kaya Niyang gawin ang kahit ano – kabilang ang pagpaparating ng Kanyang salita sa atin, sa kabila ng 2,000 taong lumipas, na walang anumang kapintasan o kamalian.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church