Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 31 NG 40

Pag-aanyaya sa mga Taong Pumunta sa Simbahan // Unang Bahagi: Pinagsisikapang Karapatang Magsalita

Kung susunod tayo sa Diyos, natural na gagawin natin kung anong tama (kadalasan) sa mga mata ng tao. Ito ay sapagkat ang katotohanan ng Diyos tungkol sa mabuting pagkilos ay nakatanim sa bawat taong Kanyang nilikha at may pangkalahatang pasiya tungkol sa pamantayang moral. Ang taludtod na ito ay nagbababala sa ating hindi tayo maaaring sumunod sa Diyos, ngunit maging kainis-inis sa mga nakapaligid sa atin, mandaraya, o sumusuway sa mga pangunahing kautusang kinikilala ng mga tao.

Nagpupunyagi tayong maging tama sa mga mata ng Panginoon, at maging sa mga mata rin ng mga tao. Tiyak na hindi tayo papayag sa anumang uri ng makamundong moralidad na hindi naaayon sa inilalaan ng Diyos para sa atin, ngunit pagdating sa mga bagay sa mundong itinuturing na mabuting-loob, mabuti, magiliw, atbp. tayo ay dapat na nangunguna.

Mga Praktikal na Hakbang: Manalanging buksan ng Diyos ang iyong mga mata sa anumang bahagi ng iyong buhay kung saan sinasabi mong ikaw ay Cristiano, ngunit hindi ka namumuhay ng isang buhay na naglalarawan nito.

Araw 30Araw 32

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church