"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pag-aanyaya sa mga Taong Pumunta sa Simbahan // Unang Bahagi: Pinagsisikapang Karapatang Magsalita
Madalas na nagiging biruan sa mga simbahan kung paanong sinusuhulan nila ang kanilang mga kaibigan upang pumunta sa simbahan, ngunit may katotohanang mula sa Biblia patungkol sa kaisipang ito. Ito ay magagamit sa maraming dako. Gusto mo bang magkaroon ng mga kaibigan? Maging tagapagbigay ng mga regalo at isang taong nagpapala sa mga tao at hindi magtatagal ay may mga kaibigan ka na. Ang pagsusuhol sa isang tao ay hindi magpapanatili sa kanya sa simbahan, ngunit maaari itong maging paraan kung paanong mararanasan nila ang Diyos, at Siya ang magpapanatili sa kanila doon. Ang kailangan lamang nating gawin ay dalhin sila sa presensya ng Diyos at hayaan silang gumawa ng kanilang desisyon: walang kulang, walang labis. Hilingin natin sa kanilang "pumunta at tingnan" kung anong ginawa ng Diyos at kung anong maaari Niyang gawin sa kanilang mga buhay.
Mga Praktikal na Hakbang: Suhulan mo ang isang tao ng kape o kaya ng tanghalian ngayong linggong ito kapalit ng pagpunta nila sa simbahan sa Linggo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More