"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
Pag-aanyaya sa mga Taong Pumunta sa Simbahan // Ikalawang Bahagi: Pakikipag-usap sa Iyong mga Kaibigan Tungkol kay Jesus
Dahil tayo’y napagkalooban ng pambihirang handog na ito ng kaligtasan– isang liwanag– may tungkulin tayong ibahagi ito sa ibang tao! Walang katuturang ilagay ang ilawan sa ilalim ng isang mangkok, tulad din ng kawalan ng katuturan para sa atin na maranasan ang Diyos at hindi ito ibahagi sa ibang tao. Iyan ang dahilan kung bakit tayo nagiging 'espiritwal na matataba' at nananatiling nakatuon sa ating mga sarili. Namamalagi sa atin ang mga 'kaalamang espiritwal'ngunit wala tayong ginagawa tungkol dito. Ito ay parang pagkakaroon mo ng kaalaman tungkol sa pag-eehersisyo ngunit patuloy ka lamang nakaupo sa sofa: ang kaalamang iyon ay walang naitutulong sa iyo. Kailangang may gawin ka tungkol dito.
Mga Praktikal na Hakbang: Ipanalangin mong magbigay ng pagkakataon ang Diyos upang may makausap ka ngayong linggong ito kung saan maibabahagi mo ang iyong pananampalataya. Maging mapagmasid sa iyong mga pakikipag-usap, at humanap ng pagkakataong maipasok mo ang tungkol sa iyong relasyon sa Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More