"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pag-aanyaya sa mga Taong Pumunta sa Simbahan // Unang Bahagi: Pinagsisikapang Karapatang Magsalita
Dito ay inilalahad sa atin ang kaparehong kaisipan na may bahagyang pagkakaiba. Dapat tayong magkaroon ng mabubuting gawa na magtuturo sa ibang tao sa kaluwalhatian ng Diyos. Subalit, dahil sinasabi ni Mateo sa mga nakikinig sa kanyang nararapat na pasikatin nila ang kanilang liwanag, nangangahulugan itong maaaring mayroon tayong liwanag ngunit HINDI natin ito pinaliliwanag. Kung magkagayon, wala tayong kabuluhan– anong kabuluhan ng ilaw kung ito ay hindi lumiliwanag? Sa ganitong paraan din, anong buti ang idudulot kung ang ating mga nabagong buhay ay hindi magtuturo sa mga tao kay Jesus? Ito ang pumipigil sa maraming tao sa paniniwala kay Cristo: ang pagkukunwari. Huwag kang maging rason sa hindi pagpunta ng iba sa simbahan o sa pagsunod kay Cristo.
Mga Praktikal na Hakbang: Manalangin kang magbigay ang Diyos ng pagkakataong makagawa ka ng mabuti at maipakita ang nabago mong buhay sa mga nakapaligid sa iyo at Siya ang naluluwalhati sa iyong mga kilos, pag-iisip at mga layunin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More