"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Ikalawang Bahagi: Pagsamba
Dito ay inilalahad sa atin ang ibang uri ng pagsamba– ito’y sa pamamagitan ng pagtutuon ng ating isipan sa Salita ng Diyos at sa Kanyang mga prinsipyo at pagtangging makiayon sa mga kaisipang sinasabi sa atin ng kultura nating magdadala sa atin ng kalayaan. Ang isang halimbawa ay makikita sa unang taludtod: Sa halip na paniwalaang ang pakikipagtalik sa kaninuman sa anumang oras na ating ibigin ay mabuti, iniaalay natin ang ating mga sarili bilang mga handog na buhay sa Diyos, dahil naniniwala tayong ang Kanyang pamamaraan ng pagkakaroon ng relasyon sa ibang tao ay siyang magiging pinakamabuti para sa atin. Kasama sa pagsamba ang ating pagsunod sa Salita ng Diyos, kahit na ito ay hindi natin maunawaan sa simula. Ito ay ang pagtitiwalang batid ng Diyos ang pinakamabuti.
Mga Praktikal na Hakbang: Upang gawin itong tunay na praktikal, kung sakaling ikaw ay nakikipagtalik sa isang tao o kaya ay may ginagawang hindi makakabuti sa iyo dahil ito ang idinidikta sa iyo ng ating kultura, itigil mo ito at hanapin mo sa Salita ng Diyos kung paano ang nais Niyang gawin mo sa ganitong sitwasyon. Subukan mong kumuha ng sapat na panahon sa araw mo upang makapagbasa ka ng dalawang kabanata sa Biblia, upang maituon mo ang iyong isipan dito at hindi mo paniwalaan ang mga kasinungalingang ibinibigay sa iyo ng diablo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Gusto Ka Ni Jesus
