Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Grief Bites: Isiniwalat na Pag-aalinlanganHalimbawa

Grief Bites: Doubt Revealed

ARAW 6 NG 7

Ang isang makapangyarihang hakbang na dapat gawin kapag dumadaan sa mga pagdududa ay ang maging ganap na tapat sa Diyos at sa iyong sarili.

Nang ihayag sa akin ng Diyos na ang pag-aalinlangan at ito ay nagdudulot sa pagitan Niya at sa akin, alam kong gusto kong maayos ito, kaya inilista ko ang bawat sitwasyong pinagdududahan ko ang Diyos.

Habang tapat akong gumawa ng imbentaryo ng aking buhay, mga sitwasyon, at mga pagdududa, sinimulan kong makita na ito ay isang mas malaking problema kaysa sa aking napagtanto.

Ngayon, pumunta sa isang tahimik na lugar sa humarap sa Diyos at gumawa ng isang matapat na imbentaryo ng iyong puso. Hilingin sa Diyos na ihayag ang bawat pagdududa na pinanghahawakan mo. Isama ang mga nakaraang pangyayari na sumisira sa iyong pagtitiwala sa Diyos, kasalukuyang mga pangyayari, gayundin ang anumang mga pangyayari sa hinaharap na iyong ikinababahala.

Isa-isahin mo ang iyong listahan sa Diyos...pagkatapos ng bawat pangyayari o bagay na iyong inilista, humingi sa Diyos ng Kanyang kapatawaran at tulong. Ibigay ang bawat bagay o pangyayari na iyong inilista sa Diyos at hilingin sa Kanya na ayusin ang bawat sitwasyon ayon sa Kanyang layunin.

Susunod, gutayin ang listahan at hilingin sa Diyos na tunay kang palayain sa lahat ng pagdududa, pag-aalala, at takot.

Kapag ang hinaharap na pag-aalinlangan, takot, o pag-aalala ay biglang naramdaman, agad na manalangin sa Diyos at hilingin sa Kanya na mamagitan.
Ibigay kaagad sa Kanya ang iyong mga takot, alalahanin, o pag-aalinlangan at piliing magtiwala sa Kanyang kabutihan, dakilang pagmamahal, at layunin.

Bumuo ng isang malapit na mapagmahal na relasyon at pakikipagkaibigan sa Panginoon.
Habang pinapaunlad mo ang iyong pag-ibig sa Diyos, ang pagtitiwala ay nagiging natural na malakas na produkto.

Kung mas malaki ang pagmamahal, mas malaki ang tiwala...at mas malaki ang tiwala, mas malaki ang pasasalamat ng ating mga puso sa Diyos.

Ang pagtitiwala, pasasalamat, at pagmamahal, ay tunay na nakakapagpatatag ng esperitual. Kailangan nating palakasin araw-araw.

Maaari tayong magtiwala sa Diyos...Siya ay higit na mapagkakatiwalaan. Maaari tayong magpasalamat sa Diyos...Napakabuti Niya sa atin. Maaari tayong magkaroon ng isang masiglang relasyon sa pag-ibig sa Diyos...Ang Kanyang pag-ibig ay isang ganap na kayamanan! Gusto niya ang pinakamahusay para sa bawat isa sa atin!

Ang Diyos ay mabuti...Siya ay tunay na isang ganap na kayamanan!

Gumugol ng oras sa Diyos at basahin ang Kanyang Salita bawat araw. Bumuo ng isang tunay na relasyon sa pag-ibig at pakikipagkaibigan sa Kanya. Salamat sa Kanya para sa lahat ng mabuting nangyari sa ating buhay. Sa pagsisid mo ng malalim sa Diyos, ang tunay na pagtitiwala ay ang kayamanan na makikita mo.

Tandaan ito: Ang Diyos ay nakakagawa ng di-masusukat na higit pa kaysa sa maaari nating hilingin, at isipin! Hindi pa siya tapos sayo o sa sitwasyon mo! Hilingin sa Kanya na tulungan ka sa iyong pagdududa...Talagang kaya Niya ito!
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Grief Bites: Doubt Revealed

Ikaw ba ay may pinaglalabanang kabiguan, pag-aalinlangan, o nagdududa sa kabutihan ng Diyos sa gitna ng unos ng buhay? May nararanasan ka bang kawalang-interes o kaguluhan sa iyong espiritwal na paglalakbay? Ang 7-araw na babasahing ito ay makakatulong na maipakita ang anumang pag-aalinlangan sa iyong puso at tutulungan kang gamitin ang pagdududang ito bilang senyales na mas lumapit sa puso ng Diyos.

More

We would like to thank Grief Bites for providing this plan. For more information, please visit: www.griefbites.com